Pambubully

Ang pambu-bully o pambubulas ay isa sa pinaka malaking suliranin ng mga tao, lalo na sa mga kabataan sa loob ng paaralan. Ang pambubulas ay isang pang-aapi sa kapwa , madalasna ginagawa ng mga estudyanteng may pagmamayabang may kapit sa eskwelahan at sa mga taong mahina at kayan-kayanan. Isa sa mga samhi ng pambubulas ay ang pagkakagustong maging hari-harian sa eskwelahan, dahil ang katwiran ng iba ay kapag naging mabait sila ay sila ang bubulasin. Ang pinansyal ay isa rin sa sanhi ng pambubulas , kailangan nilang mangbugbog ng kapwa at manakot para mahingiang gusto nila at isa pang sanhi nito ay ang pagkakagusto na maging amo sa loob nga paaralan, at dahil takot sa kanila ang ibang mga estudyante ay nagagawa nila itong utos-utusan ng walang angal. Bunga ng pambubulas sa mga kabataan ay marami ang humihinto lamang sa pag- aaral dahil sa takot at pag-iwas sa pambubulas. Maraming kabataan ang nagkakaroon ng kawalang kompiyansa sa sarili dahil pakiramdam nila at tingin sa nila sa sarili ay mahina, kayat marami ang mga taong hindi nakakapagtapos ng pag-aaral.

Epekto ng pambubulas sa ating bansa ay nagpapabagal ng pag-unlad ng ekonomiya, dahilan sa marami sa atin ang hindi nakapag tapos ng pag- aaral. Ang pagdami ng tinawag na ''Gang'' ay isa rin sa epekto nito, dahil sa marami ay ito ang tulong nila upang hindi sila mabulas, kaya naman mapipigilan ang pambubulas kung paghihigpitan ang mga paaralan at tutukan ang mga pambubulas na nagyayari. Isa pa sa mabisang paraan ay patalsikin sa paaralan ang mahuhuli o mapag aalamang nambubulas, sa ganoong paraan ay mababawasan at posibleng lumaki ang tiyansang masugpo ang pambubulas.

Ang pambubulas ay matitigil kung tayo ay magkakaroon ng lakas ng loob na ipagbigay alam sa batas o sa nakakatas ang nasaksihang nambubulas at magkaisa na sugpuin ang pambubulas.

by: Krystel Ged D. Salipuran

Comments

Popular posts from this blog

Sa ating Pagkakaiba

Bag o nga Henerasyon

Kahirapan