Kahirapan


( Isinulat ni Diana Rose Pirante )

Ang kahirapan ay nararanasan ng kahit sino ngayong panahon,ang kahirapan ay isang malaking problema na kinakaharap ng ating bansa.Gaya na lamang ng natatamasa natin ngayon na halos lahat ng presyo ng bilihin ay nagsisitaasan na dahil sa kakulangan ng pinagkukunan nito.Ang kahirapan tumutukoy sa kalagayan o katayuan ng isang tao na walang isang halaga ng mga pag-aaring materyal o salapi.Ang absulotong kahirapan ang kalagayan o katayuan ng hindi pagkakaroon ng paraan o pamamaraan upang makayanan o makapagdulot magkaroon ng payak mga pangangailangang pantao, katulad ng malinis natubig nutrisyon,pangangalagang pangkalusugan, kasuotan, at tirahan. Ang relatibong kahirapan ay ang kalagayan ng pagkakaroon ng mas kakaunting mga mapagkukunan o mas kakaunting kitang salapi kaysa ibang mga tao sa loob ng isang lipunan o bansa, o kapag inihambing sa mga karaniwang bilang sa buong mundo. Ang suplay ng mga pagkain na pangangailangan ay maaaring malimitahan ng mga limitasyon sa mga serbisyo ng pamahalaan gaya ng korupsiyon, ilegal na paglisan ng kapital, mga kondisyonalidad sa utang at sa pagkaubos ng utak ng mga propesyonal na pang-edukasyon at pangkalausugan. At siguro ang patuloy na pagtama sa atin ng ibat ibang mga mga sakuna na nakapipinsala ng mga pananim at pati narin buhay ng mga tao.

Ang kawalan rin ng trabaho ay nagiging sanhi ng kahirapan dahil wala kang pagkukunan ng pera para sa mga pangangailangan mo,kadalasan sa mga walang trabaho ay umaasa nalang sa tulong binibigay ng pamahalaan na imbis sila ang tutulong para mapataas ang ekonomiya ng bansa ay nagiging pabigat pa sa lipunan.Ang nagiging epekto ng kahirapan sa ating lipunan ay maraming mga nagugutom na tao at marami ang mga namamalimos sa mga daanan at pati narin sa pampublikong lugar.

Ngunit may naisip akong mga solusyon para maibsan ang kahirapan sa ating bansa at ito ay ang pagkakaroon PANANAW SA BUHAYDISIPLINA AT TIYAGA. Ang mga ito ang naisip kong paraan upang malunasan at matapos na ang kahirapan sa ating bansa. Ang hirap lang kasi yung iba wala naman yata sa bokabularyo nila ang mga salitang ito. Nakukuntento sila sa anong meron lamang sila ngayon. Sa aking panananaw ang mga solusyon na aking nabangit ay mahalaga sa pag-unlad ng pamumuhay ng isang tao. Ang pag asenso ng bawat indibidwal sa lipinunan na kanyang ginagalawan ay nakakatulong din sa kanyang bansa.

Ang pagkakaroon ng pananaw sa buhay ng isang tao ay nagbibigay sa kanya ng direkson kung anong landas ang kanyang tatahakin at kung anong buhay ang kanyang gustong maging. Ito ang magiging behikulo niya sa pag-unlad ng kanyang sarili at pammuhay.

Ang pagkakaroon ng disiplina ng isang tao hingil sa mga patakaran o batas at lalong-lalo na sa pagpapalakad ng kanyang buhay. mahalaga ito dahil pinapaunlad nito ang kaisipan at pagpapahalaga sa sarili.

Ang panghuli naman ay ang tiyaga. Kung may pangarap ang isang tao ay kinakailangan  niyang magtiyaga dahil hindi lahat ng bagay ay madaling makamit. Minsan ay pagdaraanan mo ang mga dagok at iba't ibang pagsubok sa buhay na maaaring pumigil sayo upang magpatuloy sa pag-unlad.

Habang may buhay may pag-asa ang malimit na sinasabi ng isang taong positibo ang pananaw sa buhay at nagnanais na umunlad.

Comments

Popular posts from this blog

Sa ating Pagkakaiba

Bag o nga Henerasyon