Alak Panira ng Buhay

Masasabing napakadaling pumasok sa iba't ibang uri ng adiksiyon. Ang mahirap ay ang pag iwan o paglabas na sa ganoong sitwasyon lalo na kung nalulong kana rito. Isa rin sa mga nagiging adiksiyon ng mga kabataan ngayon ay ang "alak". kung ipagpatuloyitong abusuhin ay mahuhulog ka sa patibong nito. Maaaring magising kana lang isang umaga na hindi mo na pala kayang kumilos o mabuhay ng wala ito dahil nasa sistema mo na itoat malakas ang imluwensiyanito sa iyong isipan at katawan na parang kasama na ito sa mga pangunahing pangangailangan mo upang mabuhay.

Sikat ang alak sa mga okasyon, pero kilala rin ito bilang isang mapanirang bisyo na talagang sumisira sa buhay ng maraming kabataan. Maraming masasamang epekto ang labis na pagkonsumo nito sa kalusugan ng umiinom nito. Alam nating lahat na walang mabuting maidudulot ang labis na paglaklak nito lalo na paglipas ng panahon. Kaya ang paghinto sa ganitong bisyo ay talagang masasabing isang mabuting desisyon na makakapagpabago sa buhay ng taong nalulong dito. Hindi rin masasabing makabubuti angdesisyong paghinto nito sa iyong kinabukasan ngunit makapagpapatibay ito ng lubos sa mga relasyong nasira noong nalulong ka sa adiksiyong ito.

Hindi rin madaling huminto sa mga nakasanayan lalo na't kabataan ang kadalasang nalulong rito. Pero kung talagang determinado ka talagang ihinto ang iyong bisyo maaari mo itong mapatagumpayan gamit iyong mga sariling pamamaraan. Oo, mahirap pero kapag napagtagumpayan mo ito, masasabi mo sa iyong sarili na kaya mo palang mabuhay ng wala ito.

Marami pang panahon ang meron ka upang tumigil ka. Nanghihinayang sa mga panahon na inubos mo lamang sa iyong pag inom. Hindi mo man maibalik ang nasayang na panahon at salapi, maaari mo namng baguhin ang takbo ng iyong buhay kung ititigil mo na ang iyong bisyo. At sigurado akong hindi na madaragdagan ang iyong mga problema bagkus ay magkakaroon ka ng mas magandang kalusugan at mabuting pamumuhay ngayon at sa darating pang mga panahon. Kaya mag- aral lang muna ngayon at sulitin ang pagiging bata dahil pagdumating na ang panahon ay di muna maibabalik pa ang dati.

ELLOISA M. BENZON

Comments

Popular posts from this blog

Sa ating Pagkakaiba

Bag o nga Henerasyon

Kahirapan