Ang munting Ibon


Sa kabukiran may mag asawang naninirahan, meron silang dalawang anak na lalaki at sila ay sina Asul at Berde. Ang magkapatid na ibon ay mababait, matulungin at masisipag tumutulong sila sa kanilang ama sa lahat ng mga gawain sa bukid. Magka iba ang nakasaad na utos sa kanila si Asul ang nag aalaga ng mga hayop at si Berde naman ang nag babantay sa taniman. Sila ay malapit sa isat isa at nag dadamayan sa kung ano man ang pagsubok na dumarating sa kanilang buhay. Silang dalawa ay may mga pangarap na para sa kanila ay parang isa itong malayung bituin na mahirap maabot. Dahil sa kagustuhan nilang maabot ang mga pangarap na ito umalis sila sa kanilang lugar at tinahak ang iba’t ibang lugar para makamit ang kanilang pangaran. Nag aalala ng lubusan ang kanilang ama at ina na baka sakaling hindi maging maganda ang mangyari sa kanila.
Nag iba ng deriksiyon ng pinuntahan si Berde at himdi sumama kay Asul, si Asul naman ay nagpatuloy at hinanap niya ang kaniyang kinabukasan na maganda. Si Asul ay nakahanap ng hanap buhay sa pinuntahan niyang bayan at dahil sa masipag siyang magtrabaho binigyan siya ng magandang oportunidad ng kaniyang amo at pinag aral siya ay nakapagtapos at nagkaroon ng magandang buhay. Si Berde naman ay hindi naging maganda ang kanyang buhay dahil sa napasukan niyang trabaho na iligal pala ito. Dahil sa laking bukid siya hindi niya alam kung ano ang ginagawa ng mga katrabaho niya. Nalaman nalang niya ito ng makulong siya na hindi pala maganda ang mga ginagawa nila kaya nag sisi siya ng hindi siya sumunod saan papunta ang kapatid niya. Ng malaman ito ni Asul pinuntahan niya sa kulungan ang kaniyang kapatid para makalaya. Binigyan niya ito ng magandang buhay, binilhan ng bagong damit at pinag paaral.
Ng makagtapos si Berde ng pag aaral nag hanap ng siya ng magandang trabaho at gumanda ang kaniyang buhay at pagkatapos nito pinag planohan nila na umuwi na sa kanilang bayan para kunin doon ang kanilang ama at ina para sila ay magsama na sa iisang masaya, masagana at magandang buhay pinili nilang isama ang kanilang pamilya sa kanilang bagong bahay bagong buhay dahil sa mas masaya na kasama mo ang iyong pamilya sa iisang bubungan kahit na ano pang pagsubok ang dumating sa buhay basta nandiyan ang pamilya malalagpasan at malalagpasan rin ito.
Isinulat ni: Edsel John Relano Tequillo

Comments

Popular posts from this blog

Sa ating Pagkakaiba

Bag o nga Henerasyon

Kahirapan