Ang munting kabataan Noon at Ngayon
Sabi ni Jose Rizal “Kabataan ang pag-asa ng bayan”, ngunit ano na nga ba ang nangyayari sa mga kabataan ngayon? Sila parin ba ang pag-asa ng ating bayan o sila na lang ang siyang nagbibigay problema sa ating bayan?
Oo, ang kabataan ang pag-asa ng bayan, totoo ito dahil sila ang tutulong mag angat sa mga suliranin ng bayan at haharap sa panibagong bukas ng masagana dahil matatalas ang mga pagiisip nila at nakikita na nila ang mga mali at pagkukulang ng mga mas matatanda na kanilang itatama sa takdang panahon ngunit ganyan parin ba sa ngayong henerasyon? Ganyan parin ba ang pagiisip ng mga kabataan para sa kanilang sarili at sa kanilang bayan?
Sa paglipas ng panahon, maraming bagay ang nagbabago, ngunit paano ba maiiwasan ang mga pagbabago? Ang kabataan noon at ngayon ay may maliit lamang na puwang sa kanilang pagkakalayo sa kilos, gawi, ugali, pananamit, damdamin at iba pang bagay. Sinasabing ang mga kabataan noon ay higit na magalang,masunurin dahil sa isang tingin lang ng magulang sa kanilang anak tumatahimik na o kaya'y sumusunod na agad at mabait di-tulad ng mga kabataan ngayon. Lubhang taimtim sa puso’t isipan nila ang kanilang ginagawa, mga walang bisyo at maka-Diyos; sa kabilang dako, ang kabataan ngayon ay may mapagwalang-bahalang saloobin. Lalong masinop sa pag-aayos ng katawan at pananamit at lubhang matapat sa pagsunod sa batas ang mga kabataan noon, kaya wika nga, ang kabataan noon ay hubog sa pangaral at kababaang- loob at ang asal ay ipinagmamalaki ng lahat.
Noong unang panahon ang mga kabataan ay palaging nasa tahanan. Parating tumutulong sa kanilang mga magulang sa gawaing bahay. At naiiba pa ang kanilang kasuotan yun bang tinatawag nating "Maria Klara" ika nga. At mas makapag-aaral pa sila ng mabuti dahil noon wala pa ang tinatawag nilang "Internet o di kaya ay T.V. at Cellphone at iba pa. Hindi pa sila bubulakbol o sumasama sa kanilang mga barkada kung wala ang pahintulot ng kanilang mga magulang. Samantalang ngayon, hindi sila natatakot sa kahit na sino. Sa madaling salita matigasin na talaga ang kanilang mga ulo. Kahit hindi pinapayagan ng magulang na sumama sa kanilang mga kaibigan, hindi talaga nila ito sinusunod kaya minsan ang kadalasang nangyari marami ang nabuntis na mga dalaga ng mga binata at marami din ang nalulong sa masamang bisyo .At naglalaro narin sila ng online o sa tinatawag nilang internet .At minsan hindi na sila pumapasok sa eskwela para mag-aral imbis na mag-aral ay nagtatambay na sila kahit saan. Kaya mabagal ang pag-usad ng ating ekonomiya dahil sa katamaran nating mga pilipino.
Huwag sanang masamain ng sinumang kabataan ang sanaysay na ito dahil hindi naman lahat ng kabataan ay tinutukoy dito. Nais lang ng sanaysay na ito na mamulat tayo sa katotohanang dapat nating malaman upang huwag malinlang ng anumang bagay na minsan ay hindi naman natin lubos na nauunawaan.
Isinulat ni: Shermaine Obrado
Comments
Post a Comment