Posts

Showing posts from April, 2020

Importansiya hit Kag anak

( Melisa Raquel)  Hira it lamrag hit akon kagab-ihon. Hira it taklap hit akon kahagkuton. Bisan tak kalipay hira it rason. Sanglit tak pamilya importante nga dayon. Nagmiminasandong ako kun hira nagkukuri. Pero mag-aano ako kami utro nga pobri. Makarawod iyakan ngan huna-hunaon. Pero ini in kinahanglan ko haiyo pasabuton. Pasabuton ha iyo ngan ha kadam-an. Nga hira it rason kun kay ano kita adi kalibutan. Sanglit aton hira higugmaon ngan buligan. Kay maabot it panahon nga kita ira bayaan.

Ang munting kabataan Noon at Ngayon

Sabi ni Jose Rizal “Kabataan ang pag-asa ng bayan”, ngunit ano na nga ba ang nangyayari sa mga kabataan ngayon? Sila parin ba ang pag-asa ng ating bayan o sila na lang ang siyang nagbibigay problema sa ating bayan? Oo, ang kabataan ang pag-asa ng bayan, totoo ito dahil sila ang tutulong mag angat sa mga suliranin ng bayan at haharap sa panibagong bukas ng masagana dahil matatalas ang mga pagiisip nila at nakikita na nila ang mga mali at pagkukulang ng mga mas matatanda na kanilang itatama sa takdang panahon ngunit ganyan parin ba sa ngayong henerasyon? Ganyan parin ba ang pagiisip ng mga kabataan para sa kanilang sarili at sa kanilang bayan? Sa paglipas ng panahon, maraming bagay ang nagbabago, ngunit paano ba maiiwasan ang mga pagbabago? Ang kabataan noon at ngayon ay may maliit lamang na puwang sa kanilang pagkakalayo sa kilos, gawi, ugali, pananamit, damdamin at iba pang bagay. Sinasabing ang mga kabataan noon ay higit na magalang,masunurin dahil sa isang tingin lang ng magulang sa...

Rosas

Ang kabataan ang " pag asa ng bayan" marami ang naniniwala sa katagang ito ngunit paano ito mangyayari kung marami ang mga batang hindi nakakapag aral o pinagkaitan na makapag aral. Marami ang dahilan ba't maraming bata ang hindi makapagaral isa sa rito ang "matinding kahirapan" na nararanasan ng nakararami. Maraming kabatan ang naliligaw ng landas o direksiyon sa kani-kanilang buhay kaya ang ibang kabataan ay gumagawa ng masama at nalulong sa droga, kanilang iniisip na ito lamang ang solusyon sa kahirapan na nararanasan nila. Ang ibang kabataan umaasa na makapag aral sila kaya tumutulong sila sa kainilang mga magulang sa paghahanap buhay tulad ng pagtitinda ng mga sigarilyo,kinde at marami pang iba at marami ang makikita sa lansangan na mga batang palaboy sa lansangan kaya sa halip na sila ay nasa paaralan at nagaaral,sila ay nasa lansangan at naghahanap buhay. Ang kabataan ay parang isang rosas dahil kapag itong tumatagal ito'y nalalagas katulad ng kabata...

Kabataan Pag-asa ng Bayan

Ang linyang " Kabataan ay ang pag asa ng bayan." ay paniniwalang namutawi sa ating mga balintataw simula noon. Ngunit pinangatawan pa ba ito ng kabataan ngayon?. Laganap sa ating komunidad ang mga batang palago'y lagoy sa kalsada, naglalako ng mga sampaguita , nanghihingi ng pera at nagbebenta ng mga basahan. Malayo sa paaralan, pinagkaitan ng edukasyon. Karamihan sa ating populasyon ay lugmok sa kahirapan kung kaya't hindi nakapag aralan ang karamihan sa mga kabataan. Ang paraan ng pagtustos sa pang araw-araw na pangangailangan ng isang pamilya ay nakasalalay sa mga bata. Nagtitinda sila at, pinaglalako ng kung ano-ano sa lansangan. Ito'y labis na hadlang sa pag-unlad at pagkamit ng pangarap ng isang bata. Ang bata ay unti-unting nawawalan ng direksyon sa buhay. Tayo mismo ang humahadlang sa kanila. Mangyari sana'y ituon natin ang ating mga sarili sa kanya-kanyang pag-unlad . Huwag tayong maging hadlang sa pag -unlad ng isang indibidwal. Ang bawat bata ay ma...

Alak Panira ng Buhay

Masasabing napakadaling pumasok sa iba't ibang uri ng adiksiyon. Ang mahirap ay ang pag iwan o paglabas na sa ganoong sitwasyon lalo na kung nalulong kana rito. Isa rin sa mga nagiging adiksiyon ng mga kabataan ngayon ay ang "alak". kung ipagpatuloyitong abusuhin ay mahuhulog ka sa patibong nito. Maaaring magising kana lang isang umaga na hindi mo na pala kayang kumilos o mabuhay ng wala ito dahil nasa sistema mo na itoat malakas ang imluwensiyanito sa iyong isipan at katawan na parang kasama na ito sa mga pangunahing pangangailangan mo upang mabuhay. Sikat ang alak sa mga okasyon, pero kilala rin ito bilang isang mapanirang bisyo na talagang sumisira sa buhay ng maraming kabataan. Maraming masasamang epekto ang labis na pagkonsumo nito sa kalusugan ng umiinom nito. Alam nating lahat na walang mabuting maidudulot ang labis na paglaklak nito lalo na paglipas ng panahon. Kaya ang paghinto sa ganitong bisyo ay talagang masasabing isang mabuting desisyon na makakapagpabago s...

Ang munting Ibon

Sa kabukiran may mag asawang naninirahan, meron silang dalawang anak na lalaki at sila ay sina Asul at Berde. Ang magkapatid na ibon ay mababait, matulungin at masisipag tumutulong sila sa kanilang ama sa lahat ng mga gawain sa bukid. Magka iba ang nakasaad na utos sa kanila si Asul ang nag aalaga ng mga hayop at si Berde naman ang nag babantay sa taniman. Sila ay malapit sa isat isa at nag dadamayan sa kung ano man ang pagsubok na dumarating sa kanilang buhay. Silang dalawa ay may mga pangarap na para sa kanila ay parang isa itong malayung bituin na mahirap maabot. Dahil sa kagustuhan nilang maabot ang mga pangarap na ito umalis sila sa kanilang lugar at tinahak ang iba’t ibang lugar para makamit ang kanilang pangaran. Nag aalala ng lubusan ang kanilang ama at ina na baka sakaling hindi maging maganda ang mangyari sa kanila. Nag iba ng deriksiyon ng pinuntahan si Berde at himdi sumama kay Asul, si Asul naman ay nagpatuloy at hinanap niya ang kaniyang kinabukasan na maganda. Si A...

Pambubully

Ang pambu-bully o pambubulas ay isa sa pinaka malaking suliranin ng mga tao, lalo na sa mga kabataan sa loob ng paaralan. Ang pambubulas ay isang pang-aapi sa kapwa , madalasna ginagawa ng mga estudyanteng may pagmamayabang may kapit sa eskwelahan at sa mga taong mahina at kayan-kayanan. Isa sa mga samhi ng pambubulas ay ang pagkakagustong maging hari-harian sa eskwelahan, dahil ang katwiran ng iba ay kapag naging mabait sila ay sila ang bubulasin. Ang pinansyal ay isa rin sa sanhi ng pambubulas , kailangan nilang mangbugbog ng kapwa at manakot para mahingiang gusto nila at isa pang sanhi nito ay ang pagkakagusto na maging amo sa loob nga paaralan, at dahil takot sa kanila ang ibang mga estudyante ay nagagawa nila itong utos-utusan ng walang angal. Bunga ng pambubulas sa mga kabataan ay marami ang humihinto lamang sa pag- aaral dahil sa takot at pag-iwas sa pambubulas. Maraming kabataan ang nagkakaroon ng kawalang kompiyansa sa sarili dahil pakiramdam nila at tingin sa nila sa sarili ...

Kahirapan

( Isinulat ni Diana Rose Pirante ) Ang kahirapan ay nararanasan ng kahit sino ngayong panahon,ang kahirapan ay isang malaking problema na kinakaharap ng ating bansa.Gaya na lamang ng natatamasa natin ngayon na halos lahat ng presyo ng bilihin ay nagsisitaasan na dahil sa kakulangan ng pinagkukunan nito.Ang kahirapan tumutukoy sa kalagayan o katayuan ng isang tao na walang isang halaga ng mga pag-aaring materyal o salapi.Ang absulotong kahirapan ang kalagayan o katayuan ng hindi pagkakaroon ng paraan o pamamaraan upang makayanan o makapagdulot magkaroon ng payak mga pangangailangang pantao, katulad ng malinis natubig nutrisyon,pangangalagang pangkalusugan, kasuotan, at tirahan.  Ang relatibong kahirapan ay ang kalagayan ng pagkakaroon ng mas kakaunting mga mapagkukunan o mas kakaunting kitang salapi kaysa ibang mga tao sa loob ng isang lipunan o bansa, o kapag inihambing sa mga karaniwang bilang sa buong mundo. Ang suplay ng mga pagkain na pangangailangan ay maaaring malimitahan ng...

Sa ating Pagkakaiba

Isa na marahil sa pinakamalaking pagsubok sa isang tao ang kilalanin kung sino siya bilang isang nilalang. Kalakip na rito ang alamin kung ano ang kanyang mga kakayanan, limitasyon, pangarap, layunin at responsibilidad sa kanyang sarili at lipunan. Subalit, isipan mang madali itong gawin, sa pagtuklas niya sa kanyang sarili ay kailangang suungin niya ang maraming pagsubok na hindi lamang magpapahina sa kanya kundi maglalayo rin sa kanya sa katotohanan. Isa na rito ang pagkalito kung dapat bang siya'y maiba o maging katulad ng iba. Marami nang pagkakataon na ako'y natawa sa mga katagang "sana'y katulad niyo ako" o kaya'y "mabuti pa siya". Hindi ko matanto ang dahilan kung bakit aaksayahin ng isang tao ang kanyang oras upang maging isang huwad na siya. Hindi ko rin mawari kung bakit hindi niya makita ang kahalagahan ng kaniyang pagiging iba. Marahil ay dala ito ng kanyang mga pagdududa sa kaniyang pagkatao o dahil sa pag-aakalang may mga taong nakalal...

Bag o nga Henerasyon

( Edsel John Tequillo ) Han una nga panahon maupay an sistema An mga tawo maglipayon bagan waray problema Bisan ano nga delubyo an umabot tanan nagkaka-urusa Ngan nag hihigugmaay na tagsa-tagsa Pero yana ano na an nahinabo ha mga tawo Nawara naman an dati nga sistema Nawara na an pagkaka-urusa han tagsa-tagsa Nalason na kita han bag-o nga sistema Kun may problema kamatayon na an solusyon nira Mga kabataan mag-aram na manigarilyo ngan nagamit na hin droga Mga bata pa nagkabuburudan na Pag huna-huna daw kita kun maupay ini nga nahihinabo Pamilngan ta ini hin solusyon nga maibalik an dati nga sistema Ayaw kita hin kabaraka tanan ini solusyon Ibalik naton an sistema han dati nga henerasyon Pagka-urosa kita ngan burubligan ta nga ini nga mabalik ta An pag Gugma aton paurugon ngan dire an kaawa