Rosas

Ang kabataan ang " pag asa ng bayan" marami ang naniniwala sa katagang ito ngunit paano ito mangyayari kung marami ang mga batang hindi nakakapag aral o pinagkaitan na makapag aral. Marami ang dahilan ba't maraming bata ang hindi makapagaral isa sa rito ang "matinding kahirapan" na nararanasan ng nakararami. Maraming kabatan ang naliligaw ng landas o direksiyon sa kani-kanilang buhay kaya ang ibang kabataan ay gumagawa ng masama at nalulong sa droga, kanilang iniisip na ito lamang ang solusyon sa kahirapan na nararanasan nila. Ang ibang kabataan umaasa na makapag aral sila kaya tumutulong sila sa kainilang mga magulang sa paghahanap buhay tulad ng pagtitinda ng mga sigarilyo,kinde at marami pang iba at marami ang makikita sa lansangan na mga batang palaboy sa lansangan kaya sa halip na sila ay nasa paaralan at nagaaral,sila ay nasa lansangan at naghahanap buhay.

Ang kabataan ay parang isang rosas dahil kapag itong tumatagal ito'y nalalagas katulad ng kabataan ngayon na habang tumatagal at lumilipas ang panahon sila ay nagiging mahina at nawawalan ng pag asa na balang araw makakamtan nila ang kaginhawaan sa kanilang buhay. Sila ay tao rin na nangangailangan ng kaunting tulong at bigyang importansiya o bigyang pansin ng nakakaangat sa ating lipunan. Kailangan nating lahat magpakatao at kumilos bilang tao.

Kaming kabataan umaasa na balang araw makakamtan namin ang aming karapatan na makapag aral at magkaroon ng magandang kinabukasan sa aming buhay.Kaming mga kabataan ay may pangarap din na gusto naming matupad.

Isinulat ni:

CastaƱares, God shiela

Comments

Popular posts from this blog

Sa ating Pagkakaiba

Bag o nga Henerasyon

Kahirapan