Kabataan Pag-asa ng Bayan
Ang linyang " Kabataan ay ang pag asa ng bayan." ay paniniwalang namutawi sa ating mga balintataw simula noon. Ngunit pinangatawan pa ba ito ng kabataan ngayon?.
Laganap sa ating komunidad ang mga batang palago'y lagoy sa kalsada, naglalako ng mga sampaguita , nanghihingi ng pera at nagbebenta ng mga basahan. Malayo sa paaralan, pinagkaitan ng edukasyon. Karamihan sa ating populasyon ay lugmok sa kahirapan kung kaya't hindi nakapag aralan ang karamihan sa mga kabataan.
Ang paraan ng pagtustos sa pang araw-araw na pangangailangan ng isang pamilya ay nakasalalay sa mga bata. Nagtitinda sila at, pinaglalako ng kung ano-ano sa lansangan. Ito'y labis na hadlang sa pag-unlad at pagkamit ng pangarap ng isang bata. Ang bata ay unti-unting nawawalan ng direksyon sa buhay. Tayo mismo ang humahadlang sa kanila. Mangyari sana'y ituon natin ang ating mga sarili sa kanya-kanyang pag-unlad . Huwag tayong maging hadlang sa pag -unlad ng isang indibidwal. Ang bawat bata ay may karapatang mag-aral at kamitan ang kanyang ninanais . Gawin nating makabuluhan ang kinabukasan ng ating bayan.
Iguhit natin sa ating mga isipan na ang mga kabataan ang pag asa ng bayan. Suportahan natin sila. Huwag tayong maging sagabal sa kanilang tagumpay.
Isinulat ni:
Kimberlyne PeƱero
Comments
Post a Comment